Memorable Philippine Commercials

Friday, November 17, 2006

warning: This post is not internationalized. Come back again tomorrow for a full english update.

This post is from a thread in Ragnaboards. Somebody asked for th best Philippine Commercials ever made. Well, I had in mind quite a few of them actually - commercials that went in so deep inside of my head, whoever pulls it out can become the king of England.
------------------

Eto na ata yung pinaka magandang commercial para sakin. May kanta pang kasama:

Si nanay at tatay, laging naghahanda:
Mitlop at sodeds, metsado at kornbip~

What can you say?

HA-LI-DEY!

That was from a Holiday Food Products commercial from the early 90's.

I swear, nothing can beat that commercial.

Wait. Meron pa pala. Yung commercial sa mga anime ng IBC13 saka RPN9 dati.

Sakanaaaaaami Fishes [sic] Snak! Sakanaaaaaaaami Fishes Snak!

me: WTF is a fish snack? Pagkain ba ng fish yun? Hanggang ngayon hinahanap ko pa rin ang Sakanami, wala akong makita. Parang naloko ako ng commercial. sad.gif

Eh yung Seiko Wallet?

Seiko Seiko Wallet~
Ang wallet na maswerte~
Balat nito ay geniune ~
panginternational pa ang mga design~
Seiko Seiko Wallet~
ANG WALLET NA MASWERTE!

(try mo kantahin yan nang hindi tumatawa, pagkatapos, try mo naman sumipol)

Saka yung:

PADDOOOOOOOOOOOOOOCKS JEEEEEEAAAAAAAANS!

(usually eto sa mga commercial ng basketbol lumalabas. Sobrang ikli lang. Kala mo tapos na kasi sobrang ikli na ng commercial. Akala mo makakahinga ka na tapos babanatan ka ulit ng instant replay nung commercial!)

PADDOOOOOOOOOOOOOOCKS JEEEEEEAAAAAAAANS!

Walang binatbat mga Imported commercial dun.

Meron din yung commercial ni Ruby Rodriguez for Beam Toothpaste:

B-E-A-M-E SMILE (oo, mali dinig ko nung bata ako, kaya highschool ko na natutunan ang tamang spelling ng "Beam") Tapos lahat ng mga tao sa commercial akala mo hindi mga pilipino kasi mas maputi pa sila dun sa toothpaste nila!

Lastly, yung Family Rubbing Alcohol. Iba kasi talaga pag may lumalapit sayo sa supermarket na mamang panot na nagpapakilalang referee sya.

HINDI LANG PANG PAMILYA, PANG-ISPORTS PA!

Iniisip ko tuloy, pag bumili ba ako nito, may lalapit din sakin mamang panot? Totoo mang mukha lang syang child molester pero hindi naman?

Kaya ata hindi ako bumili kahit kailang ng produkto nya. Hindi ko na gusto malaman kung nangmomolestya nga sya ng bata.

So there you have it. Padump-psh

4 comments:

Anonymous said...

haha, loko-loko! yung panot na referee ay si Carlos Padilla Jr. Tatay ni Zsa-Zsa Padilla, Father-in-law ni Dolphy. Pero masmatanda pa si Dolphy *yuck*. Kilala sya sa pagiging sikat na international referee. At siya ang nagsilbing referee sa laban ng tanyag na mga boksingerong sila Ali at frazier sa labanang binansagang "Thrilla in Manila". *toink*

PS. wala bang special mention para sa markapinya, 680 home appliance at yng 3d na appliances?

Anonymous said...

Oh! Oh! The hilarious commercial that was famous by the time I was an ickle beebee. The Electrolux jingle where the vacuum cleaner door-to-door salesman goes "I'm gonna knock on your door, ring on your bell..."

Haha...memories.

Anonymous said...

From memory it's "B-E-A-M means SMILE" XD

I remember the 3D Rota-air fan commercial. Was it Nanette Medved singing? It was a duet XD

Girl: 3D Rota-air
Boy: Classic Rota-air
Girl: May bagong design
Boy: Classic Design
Girl: At bagong kulay
Boy: Pretty and bright. No-oil(?) ang motor
Girl: It's chlorine free
Boy: May eight-hour timer
Girl: All around ang cooling.
Together: Ang galing. 3D Rota-air for me.

@_@ I think my brain just shrank.

Anonymous said...

It’s Nanette Inventor lol

 

Search This Blog

Most Reading