AdSense and Sensibility

Friday, November 24, 2006

(warning: post not internationalized. come back tomorrow for a full english update)

Ang dami na ngayon na kumukita dahil sa Google Ads. Yung ibang blog na nakikita ko, kinarir na yung bagbebenta ng kung ano-ano sa website nila, mukhang divisioria na yung website, pero dahil dun, hindi na rin sila kailangan magtrabaho pa sa laki ng kinikita. Ayos diba? Parang Mayor na sila bigla, mayari ng isang e-palengke online.

So naisip ko, bakit hindi rin ako? So nagsign up ako sa Google tapos nakiusap ako kay pareng Impe (yung mayari ng Google na taga Project 6 - ewan ko rin, yun sabi nya nung nakausap ko sya sa YM eh. Naniniwala naman ako) . Sabi ko, puro pinoy ads lang ilagay sa site ko kasi gusto ko maging makabayan gaya ni Belorya (yung expat na taga Hawaii).

Pumayag naman si pareng Impe. Kaya eto, may advertisment na rin ako sa website ko. Click nyo para dumami rin pera ko at hindi ko na kailangan pang akyatin bahay nyo at magpahabol sa aso gabi-gabi habang may daladalang colored television set saka betamax.


Click na!

No comments:

 

Search This Blog

Most Reading