Kisses - Yung Mabango

Tuesday, June 16, 2009


Kisses siguro yung isa sa mga pinakamalaking misteryo ng kabataan ko. Kisses. Yung mabango, hindi yung tsokoleyt. Kung hindi mo na naabutan ito, ang "Kisses" ay parang mga maliliit na butil ng transparent na goma na nagsisilbing pabango ng di mabilang na pencilcases ng mga babaeng estudyante ng aking panahon. (pati na rin siguro yung pencilcase ng mga lalaking di pa lang alam na babae pala sila at heart) Kung hindi mo alam kung ano ang kisses at nakakita ka ng batang sumisinghot nito, iisipin mo nagddroga yung nasa harapan mo.

At syempre, kung alam mo ito, malamang alam mo rin na "nanganganak" sila.

Bawat babae ata na tanunging ko, iba paliwanag kung paano manganganak ang isang unggo ng goma. Karamihan sa kanila, naniniwala na nanganganak ang kisses pag nilalagay sa bulak. Yung iba naman, kailangan daw kasi may combination ng kulay ng kisses na magkasama sa bulak, kasi may babaeng kisses daw at lalaking kisses. Tandaan natin na gradeschool ang mga taong nagiisip nito. Daig pa beterinaryo. Yung iba, ang payo pa magbabad sa alchohol, yung iba naman sa mertiolet daw. Parang may sariling branch na ng science eh. Kisses Biogenetics.

Hindi ko masukat matarok ang kabobohang ito, kahit noon pa. Taena, pano nga ba naman manganganak ang goma? Hindi ba goma nga yung ginagamit para hindi magkaanak?

Pero pag iniisip ko, naniniwala din ako dati na pag inilagay ko sa kahon ng posporo na may bulak ang isang gagamba, titibay din ang sapot nito. Hindi naman pala totoo. Sasarap lang ang tulog nya dahil malambot.

Minsan, iniisip ko, may kisses pa ba? Sa dinami dami ata ng mga urban legend ng kabataan ko, etong kisses lang ang alamat na lumalaganap dahil lang sa kakulangan ng mga bata ng abilidad na magbilang.

Yun lang ata ang kailangan mo para makabenta sa mga bata eh. Sabihin mo lang na nanganganak yung bibilihin nila, para isipin nila baka pag magaling sila magalaga, pwede na rin sila gumawa ng sarili nilang pabrika.

Ewan ko ba. Basta tanda ko, mabango yun. Pero hindi masarap ang lasa.

Yun lang.

6 comments:

Anonymous said...

"Ewan ko ba. Basta tanda ko, mabango yun. Pero hindi masarap ang lasa."

So most likely, tulad ng ibang bata nung panahon natin, tinitikman natin mga bagay na nadadampot natin. hehehe

-ipe

Hikari said...

I fell for the notion that kisses multiplied, too. Napaisip ako kung buhay sila. My classmates back then had them soaked in cotton, parang kisses-culture.

Now they're being sold as fragrance beads. I just bought a pouch containing eucalyptus-infused kisses. That was at some stand at SM Noirth Edsa.

Anonymous said...

Tinutusok pa nga minsan yan para manganak. XD

lav-lav said...

hahay.. nag kainterest lng ako nito nung pinakita ng isang bata sa akin ang mga kisses duon sa bottle na pag kadami- dami. kasi daw nanganganak... hahay ewan ku kung ano ang meron nito. im very confused about this thing kaya humingi ako doun sa bata. sa isip ko parang yeast.. hahaha. yeast na marbles.. i want to know more about this thing, yet interested to know more about this kisses!

Anonymous said...

sa pagkakaalam ko, nanganganak sila sa pamamagitan ng pagpisil sa kisses gamit ang pencil oh ballpen.. yun pala nahahati lang.. dumadami pero hindi nanganganak.. tsaka isa din syang dagdag pabango sa stationery collection ng mga bata noon.. eheheeh sarap balikan... asan na nga ba ang mga kisses na un.. hmmm makabili nga...

Anonymous said...

Naalala ko pa nun kung anu-ano mga nilalagay kong pabango para lang manganak. Pero meron pa ko ngayon sa bahay, di naman nanganak mula pa nung 90's yun.

How to make Money Fast

 

Search This Blog

Most Reading