Mga terminong pang internet na dapat na sumikat, katulad ni Kuya Bodjie.
Thumbnailgenic - Maganda lang pag sa thumbnail
e.g. "Ay pakshet. Kala ko kamukha ni Angel. Thumbnailgenic lang pala!"
Googulo - taong lahat ng alam e galing lang sa nahanap nya sa google. Pag walang internet, wag mo na syang kausapin dahil puro "cannot connect" lang mapapala mo.
e.g. "Wag mo na tanungin si Kat tungkol sa assignment. Googulo lang yun eh."
FaceBuhok - Facebook profile pic na puro buhok lang ang makikita mo kasi saksakan ng pangit ng mukha
e.g. "Astig girlfriend mo ah, facebuhok. Pakamatay ka na lang."
Friendster - Lalaking kaibigan na akala mo friend, yun pala eh sister.
e.g. "Dati, kasama pa namin sya nagoovernight. Taena, kung alam ko lang na friendster yun..."
Multi-ply - Babaeng sobrang kapal magmakeup, parang may limang patong ng foundation ang mukha
e.g. "Wow, you look beautiful. Do you have multi-ply?"
Dixiechicks - opposite ng chicksilog. Tibong nagpapanggap na lalaki para makahookup.
e.g. "Si pareng arnold pala, dixiechicks."
Testimonyo - Mga taong parang dimonyo kung manghingi ng testimonial. Di ka tatantanan hanggat di ka bumibigay sa gusto nya
e.g. "Dear lord, sana po kunin nyo na lahat ng testimonyo dito sa mundo"
Streaming - Ihi lang sandali.
e.g. "Wait lang bro, streaming muna."
Download - Pagtae.
e.g. "Natagalan ako kasi yung streaming ko, naging download."
Torrent - Matinding pagtatae
e.g. "Kumain pala ako ng panis na ube. Mukhang mapapatorrent ako nito mamaya.
Some Internet Terms for Filipinos
Friday, March 20, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
3 comments:
ang-harsh naman...
FaceBuhok - Facebook profile pic na puro buhok lang ang makikita mo kasi saksakan ng pangit ng mukha
e.g. "Astig girlfriend mo ah, facebuhok. Pakamatay ka na lang."
http://cristianfetizanan.blogspot.com/
Ha ha!
ayos! hehehe ^^,
Post a Comment