Babangon ako't dudurugin kita. Tapos matutulog ako ulit.
Marami ka pang kakaining bigas. Mas marami kung hindi ka marunong magsaing.
Papunta ka pa lang, pabalik na ako. Gusto ko kasing makaupo sa MRT.
Kung ano ang puno, sya ang bunga. Alangan naman hindi, tanga!
Ang hindi marunong tumingin sa pinanggalingan, hindi makararating sa paroroonan - lalo na kung paatras ka pumarada.
Daig ng maagap ang masipag. Kasi kinabukasan, pwede mo nakawin yung ginawa ng masipag.
Ang tumakbo ng matulin, kung matinik ay malalim. At ang nantitinik ng malalim, kailangan tumakbo ng matulin.