Mga Aral ng Dyip

Thursday, November 18, 2010

(This article was cowritten with Anna for some project I can't really remember. It's in Tagalog, so if you don't understand the vernacular, come back again tomorrow for a different, but more understandable article. )

Lahat ng aral na kailangan mo matutunan sa buhay, matutunan mo na sa pagsakay ng dyip.

Kung sasakay ka ng dyip, kailangan marunong kang pumara. Dapat marunong kang ipaalam sa ibang tao kung ano ang iyong pakay. Minsan, ang mistulang hindi mahalagang wasiwas ng kamay ang pinagkaiba ng dyip na pwedeng sakyan at ng tangang nasagasaan.

Tulad ng buhay, ang paglalakbay lulan ng mga dyip ay hindi isang bihayeng matuwid. Dapat ay marunong kang magplano, tanggapin na hindi palaging pareho ang paroroonan mo at ng dyip; Na minsan kailangan mo bumaba bago magkalihis ang iyong landas at ng daang tinatahak ng sinasakyan mo. Matutong sumabay sa pagbabago.


Sa pagbabayad, kailangan matuto kang magtiwala sa mga kasama mo. Hindi mo kayang abutin lahat ng bagay, kaya dapat marunong ka ring umasa sa iba, at maging maasahan pag ikaw naman ang napaghingan ng tulong.

Ang dyip, parang mga pangyayari, madaling sakyan pero hindi mo sya palagi kayang pahintuin kung kailan mo gusto. Ang kaya mo lang gawin ay paghandaan ito at matutong lumakad kung lumagpas ka sa iyong inaasahan.

Ang dyip ay parang maliit na mundo. Maingay, magulo, at hindi mo mapipili ang mga taong makakasakay mo. Tinuturuan nito tayo ng pagtanggap na hindi lang tayo nagmamayari ng lahat, na ang mga karapatan mo ay hanggang kung saan lang abot ng pamasahe mo.

Ang dyip, parang pagkakataon din. Kapag naiwanan ka, hindi pa katapusan ng mundo. May darating at darating din na iba pa. At kung wala man, hindi lang iisa ang pwede mong kunin para makarating ka sa paroroonan. Basta marunong ka maghantay.

Hindi maiiwasan mapagiwanan, pero ang buhay, parang dyip lang talaga. Kung talagang gugustuhin mo, pwede ka pa ring sumabit, kumapit ng mahigpit, at makarating ka din sa paroroonan.

2 comments:

Anonymous said...

At puwede ka ring hindi bumayad. Katulad ng buhay ng tomotorrent.

redistypingfromaninsecureplace said...

hahaha good one!

 

Search This Blog

Most Reading