Ngayon na ang huling araw ko sa
(panuto: huminga ng malalim, mahaba ito)
Tanda ko pa nun nagsimula ako, duda talaga ako sa pangalan ng kumpanya. Wala kasi sa internet, tapos mali-mali pa yung pangalan tuwing sasabihin sakin nung recruiter. Sa Hotel din yung interview. Walang opisina. Sabi ko, hindi kaya Yakuza to? Buti na lang si *-san yung naginterview. Hindi sya mukhang yakuza (yakult mascot, pwede pa). Okay na sana, kaso andun din si Sir * na mas mukha pang hapon kesa kay Sato-San.
Hindi naman pala sila Yakuza, nalaman ko. Mabait sila at hindi nila ako balak ibenta bilang sex slave sa Japan. Sa bandang huli, nagkasundo din kami sa kontrata. Gusto nila ng Java Programmer at gusto ko ng libreng mabilis na internet. Aprub.
Tatlong taon na ang nakakaraan. Nagexpand na tayo. As in "expand" talaga. Yung 29 na waistline ko, 33 na ngayon, mas mabilis pa lumaki kesa sa sweldo natin (joke lang po ma'am).
Lumipat na rin tayo ng opisina. Wala na tayo sa conference room ng hotel na kape lang ang pwedeng gawin. Wala na rin yung 4 na sirang elevator ng Magsaysay at tuyot na tapsilog sa basement canteen. Yung Amerikanong multo, napalitan na ni Itang (sa mga nakakarelate, hayaan na lang natin yung ibang masorpresa).
Marami na rin dumating at umalis. Yung iba, dahan dahan ang pagalis, parang pag constipated ka. Yung iba naman, sobrang bilis, kulang na lang ipahanap natin sila sa Mata ng Bayan c/o Inday Badiday (sumalangit nawa) Asan na nga ba si Sir Zaldy? Wala pa rin ata nakakaalam, pero nagpaparamdam daw sya minsan. Lahat sila, di ko malilimutan.
Dun naman sa mga nandito pa, parang pamilya na kayo sakin (e.g. inuutangan, pinagsusumbungan, kainuman, at kapalitan ng mga links ng porn) Joke lang yung links sa porn. Bawal pa rin yun sa opisina (pwede na lang kung nakapremium account *kindat kindat*). Akala ko dati, dahil maliit ang kumpanya, mahirap makahanap ng mga kaibigan. Mas kaunti pala, mas madali makisama. Mas madali din magmemorize ng pangalan, except si Marhgil, na hanggang ngayon kinakailangan ko pa ispellcheck pag isusulat ko. Special talaga name mo 'pre. Syempre, special din kayong lahat. Parang halohalo: Sweet, cool, at puno ng leche(flan).
Madami rin akong natutunan dito. Yung betsin sa beer na pangromansa (salamat Kuya), yung mga lugar na kasabisabi ng religion teacher namin na di dapat pinapasok (pero okay naman pala paminsanminsan), uminom ng beer habang nagttrabaho, magtrabaho habang umiinom ng beer, magsign language pag di na maintindihan ang english mo - lahat yan dito ko lang natutunan. Salamat sa lahat ng yan, at marami pang iba na di ko na kayang banggitin dito (una dahil masyadong marami, pangalawa, dahil masyadong mahalay yung karamihan sa kanila)
Di pa naman huling pagkikita ito. Maliit lang ang mundo. Mas maliit pag may YM at Multiply. May txt hotline din ako kung wala kayo'y nalolongkot at makaosap. Text CHAT GWAPINGS JET POGI and send to 2333. Free ringtone logo for every 15 messages. Joke lang. 10 messages.
Marami pa ako gusto sabihin kaso may gagawin pa pala ako na status report. Yun na lang muna. Salamat sa pagbabasa kung hanggang ngayon bukas pa rin ito sa outlook mo.
Through the years, through all the good and bad
sa paglalasing, sa pagsiring, sa pagtakbong nakahubad (hindi ako yun dude)
Paalam at salamat po.
Lovelots,
Red Kinoko de Zobel de Ayala
Java Programmer/Analyst/Lineman/Spritista
Chinese Translation:
Nip nong ching chong ching chang, Chong koi la,
chichinichongkoi la, Infocafee Systems.
Dao ming si, kung pao wai Java Team!
(3 years on and I still can’t understand anything in your language. I tried hard. Really. Sorry.)
p.s.
J - Just
A - Always
P - Program
A - At
N - Night
L - Libre
K - Kasi
A - Ang
D - Dinner
p.p.s.
Kung may makita kayo na papasok bilang bahagi ng ACTS sa lunes na kamukha ko, hindi ako yun. Huwag nyo sya singilin ng mga utang ko na hindi ko nabayaran. Mabait yun, ilibre nyo sya para masaya. Peksman, wala kaming kinalaman sa isa't isa. Nagkataon lang pareho ang aming itsura, pangalan, tirahan telphone number, lakipan ng dalawang tansan at ihulog sa... teka. Yun lang pala.