Stock Market Terms for Filipinos

Friday, July 05, 2013

Streetsmarts - Yung klase ng talino na magagamit mo para mabuhay sa kalye pag nalugi na lahat ng pera mo sa PSE.

McArthur Stock - Mga stock na bumabagsak bago tumatalbog sa mas mataas na presyo. "I shall return"

Sharon Stock - Mga stock na sobrang bigat hindi na makagalaw sa charts.

Delata - Stock na kahit ibaon mo ng 3 taon e hindi nagbabago ang estado.

Bull Market - cycle ng stock market kung saan lahat ng hulanalysis e tama.

Bear Market - cycle ng stock market kung saan lahat ng hulanalysis e tama daw.

Annual Stock Holder meeting - Libreng doughnuts at aircon in exchange for depreciating investments.

Long term investment - Term na ginagamit ng mga tsupitero pag sobrang baba na ng value ng stocks nila, pwede nang ipaconvert sa certificates at ipamunas ng pwet para lang magkaron ng silbi.



Short term investment - As in literally, short lang ang ilalagi ng investment mo bago ito maglaho mula sa paulit ulit na pagkalugi.

Elliot Wave analysis - Dalubhasang paraan ng pagalam ng movement ng stock sa pamamagitan ng pagkaway sa stock price habang gumagalaw papalayo ito sa iyong target price. Si Elliot ang unang tao na nakadiskubre kung pano kumaway ng tama.

Candlestick analysis - Pag wala ka nang pambayad ng kuryente, kailangan mo na talaga ng candlesticks para magbasa sa dilim.

Staying liquid - Staying at home and drinking liquids to fight off depression. More specifically, alcholic liquids. Johnny Walker = 100% liquid.

Tsupot - Tsupiterong kuripot.

Tsugi - Tsupiterong lugi.

Ghost Month - buwan kung kelan matumal ang kita at malas magbusiness. Para sa Chinese, ito ang August. Para sayo, September, October, November, December, January, February, March, April, May, June at July din.

P/E ratio - Ratio of blood to urine whenever you P/E your pants.

LBI - List by imbentong (price). Gawain ng mga bagong list na kumpanya kung kupal ang mayari ng kumpanya at gusto nilang may pangparty sila pagkatapos maglist sa PSE. 

IPO - Initial Pampaluging Offer. 

Ceiling price - Presyo ng ceiling labuyo.

Broker - Ang mangyayari sayo pag broke ka na tapos nalugi ka pa rin.

Stock Dividend - Number you use to divide your earnings after the price of the core stock holding drops from the number of stocks that flood the morket.

Cash Dividend - In layman's term "pansigarilyo lang bossing"

Asset Consolidation - Act of gathering all the money of the stock holders before the company owners put them in a large bag and laugh all the way to the bank.

Resistance - part of the chart people want broken but never does.

Support - part of the chart people want to hold but never does.

   

No comments:

 

Search This Blog

Most Reading