We need somebody who can represent our feeling that we're already tired of the usual gang of posers. Somebody who can make the country follow them. Make the country listen. We need people who can educate our masses. We need people who can foster values. My fellow citizens, I hereby propose the creation of a new party. Bayang Ayaw sa Tiwaling Indibidwal, Balimbing, O Trapo PANAHON NA. TAYO NA. DOON SA BATIBOT. President - Kuya Bodjie - Sino pa ba nag pwedeng makapagpasunod sa bayan na ito kundi ang ating "kuya" na kinalakihan? Sya lang ang kayang magasabi ng "Mga Bata!" na hindi mo iisiping kontra bida sya. Vice President - Ate Sienna - Si Sienna, natural na vice president kasi magaling syang sumuporta sa mga layunin ni Bodjie, at hindi sya balimbing. Department of Defense - Pong Pagong - May mas titibay pa ba sa pagong? Amphibious, malaki, matibay, malaki ang mata. Office of the Ombudsman - Kiko Matsing - Kung ungguyan din lang, si Ka Kiko na sasalo sa iyo. Walang makakapagtago sa baging ng batas. DOST - Sitsiritsit - San ka pa? Alien to tol. From outerspace, hindi India. Hightech. DOH - Alibangbang - Alam kong bawal ang nepotismo sa gobyerno, pero hindi naman talaga magkapatid sila ni Sitsiritsit. Preba? Hindi pareho ang apelyido nila. Dela Cruz si Sitsiritsit, Perez naman si Alibangbang. (sinabi nila sakin to dati, pero top secret daw kasi nga alien sila) Press Secretary - Irma Daldal - Artista. Madaldal. Parang si Kris Aquino, pero walang STD. DECS - Kapitan Basa - Galit sa illiteracy at mga malimaling libro. Lumilipad. Kaya ba ng DECS secretary natin na lumipad? Pakyu. Dito na tayo. DPWH - Koko Kwik-Kwak - Tutal naman walang may gusto sa kanya, inilagay sya sa DPWH, para kung maging tiwali sya, pwede natin syang ipabaril. Walang malulungkot. PANAHON NA. TAYO NA. DOON SA BATIBOT. BATIBOT PARTY. VOTE STRAIGHT. VOTE SMART. |
The REAL Alternative for 2010
Wednesday, November 18, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
Count me in!!!
-ipe
Post a Comment