MRT Fare Hike Prevention

Thursday, October 25, 2012

Magtataas na daw ng pasahe sa MRT next year. Good news, mababawasan ang laman ng mga tren. Bad news, mababawasan din ang laman ng wallet. Dahil sa maraming maapektuhan, sinabi ni Rep. Teddy CasiƱo na baka may iba pang mga paraan para hindi na kailangan magtaas ng singil. Okay din yung mga mungkahi nya, pero parang kulang. Eto naman ang aking mga naisip.

Magbenta ng deodorant sa loob ng tren.

Pa
ra sa mga taong proactive, magbenta na rin ng lysol.

Ipasponsor ang bawat stasyon "Welcome to Buendia Putok-free Station. This station has been brought to you by CAA Nature's Touch Tawas. Kaisa-isang toothpaste. Tangal na ang tinga mo, tangal pa putok ng misis mo."

Lagyan ng multa ang pagpapatugtog gamit ang speakerphone ng telepono.

Patawan ng corkage yung mga taong mahilig kumain ng kung ano-ano sa loob ng tren. Doble kapag Boy Bawang ang nginunguya. Triple pag tumatalsik pa sa katabi yung corn "bits".

Gawing mas mura ang pasahe kapag off-peak operations. Gawing mahal pag rush hour.

Ipasponsor ang mga ticket card, preferrably ng mga alcoholic drinks tulad ng White Castle Whiskey para may design na seksing babae na nakasakay sa kabayo tulad ni Glydel Mercado (yung babae, hindi yung kabayo).

Imbes na laging nakaaircon, bigyan na lang ng tigigisang menthol candy ang mga pasahero, sponsored ng Maxx Honeylemon.

Lagyan ng laxative ang Maxx Honeylemon at lagyan ng 10 pesos na bayad ang CR sa loob ng istasyon. Hiwalay na bayad ang tissue paper.

Ipasagasa sa tren ang mga tao na mahilig umakap o sumandal sa mga handrails. (hindi ito revenue-generating, pero mas maeenganyo sumakay ang tao kung bawas ang k*pal na commuter)

Doblehin ang singil sa mga hindi bumababa sa Trinoma Station. Tawagin itong "manggugulang tax".

Magemploy ng mga batang namumunas ng sapatos sa loob ng mga tren. Pag pasko, caroling at tambol naman ang raket.

Kapag dumaan na ang last train, ipaarikla na ang riles sa mga push cart/trolley boys.

Kapag naman umaga, ikabit ang mga trolley sa likod ng mga tren gamit ang kadena at gawin itong open-air budget service/extreme sport, 5 piso ride-all-you-can, di kasama dito ang pamasahe papuntang Funeraria Jose.

Maglagay ng mga jailer, parang school fair lang. Every hour, may magaanounce "Jailers! Jail anybody wearing red!" Sampung piso ang piyansa.

Magbenta ng sure seats tickets na tig iisang daan isa. Dalawang ticket ang minimum pag masyadong malaki ang hita ng pasahero.

Gawing parentahan yung public announcement system. Bente pesos ang one-liner greetings. Singkwenta magrequest ng kanta. Isandaan sa gusto kumanta. Isanlibo at pitik sa kuyukot para sa gustong kumanta ng sintunado.

1 comment:

Unknown said...

Suggestion pa:

Imbis na magkaroon ng "Skipping Train" sa Ayala/Buendia kada rush hour, magpatakbo na lang sila ng "Standing Room Only Train".

Tutal wala naman pakialam kung makakaupo ka o hindi tuwing rush hour. Maslalawak pa yung space, kapag pinagtatanggal yung mga upuan na pampasikip.

 

Search This Blog

Most Reading