Here are 10 things that anybody trying stock trading should know. Most of these are fairly common sense, but you'd be surprised how many people violate them anyway, in the name of losing money for the sake of stupidity. I know I did. In any case, I'm going to try and save you the hassle of going through some of my most gut wrenching experiences. If you listen, good. If you don't well, treat this as a program brochure for the play "How The Fuck Do You Lose Your Money" starring your trading self.
Oh, yeah, it's written in Tagalog since I wrote it for another website.
1. Pag kumita, wag makati ang kamay at bili ng bili. lalong mawawaldas ang kita mo pag naexcite ka pumasok ulit. Bumili ka na lang ng dvd.
2. Pag nalulugi, wag maging desperado humanap ng ibang stock na makakabawi ng pagkalugi. Mahirap magisip ng tuwid pag desperado. Lalo ka lang mawawalan. Cut loss agad, tapos wag magpadala sa agos ng trading.
3. Wag sakim. Pag nakita mo na may kita ka na at medyo kuntento ka na dito, wag mo na hantayin pa na nasa tuktok na ang presyo. Pag nakalabas na at umakyat pa rin, wag na pumasok.
4. Speaking of labas-pasok, iwasan ito. Broker lang ang kikita. Matutong maging pirmi.
5. Pag maganda ang ekonomiya, buy and hold ang pinakasafe na paraan, except kung "wonderstock" ang usapan. Dapat dun lagi nasa labas na ang isang paa mo palagi. Ready to run palagi, parang si Erap.
6. Wag mangakit ng iba pang tao pumasok sa stock market dahil lang sa isang tip. Marami nang tanga na nalulugi sa market. Wag na paramihin pa. Dadami lang kaaway mo at dadami lang ang katulad ko.
7. Iwasan maging emosyonal. Kung gusto mo magventout, bumili ka ng punching bag, o di kaya makipaginuman ka sa kanto.
8. Wag maniwala sa kahit na sino. Kahit si Andres Bonifacio pa yan, pag may payong stock sayo, pagaralan muna. Hindi lahat ng bagay nabubuhay pagkatapos ng 3 araw.
9. Magbasa ng TP at dyaryo araw-araw. Hindi lang ng isang guru, lahat. Big picture dapat palagi, parang Imax.
10. Ugaliing magpasalamat. Sa dyos, sa mga bossing dito sa TP, sa broker mo, at higit sa sa lahat sa sarili mo, kasi ikaw ang sarili mong boss pagdating sa trading, wala nang iba.
10 Stock Lessons I Had To Learn The Hard Way
Thursday, February 25, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment