Six Years Ago, This Happened
Monday, June 18, 2012
Purely Objective
Thursday, June 14, 2012
On a purely objective matter, if you really wanted society to stop doing something bad for their health, you'd encourage as many people to do it as possible and then stop trying to convince these people to change ways. This is to ensure that when the complications kick in, more people from the next generation will realize how horrible it is first hand. Because really, who do you listen to, somebody in their deathbed or somebody who's alive and kicking and says "don't do it, it'll be hard to quit"?
10 Klase ng Pinoy sa Videoke
Monday, June 11, 2012
Kapitan Basa - Eto yung tao na laging hawak yung song book pero hindi naman pumipili. Di makapagdecide, daig pa ang hukom na manghahatol sa rapist. Hindi mo alam kung pihikan lang talaga sya, o nagpapanggap lang syang marunong bumasa. Iniisaisa nya yung mga kanta at artist, pati na yung mga Chinese at Korean listings habang sobrang seryoso ang mukha, aakalain mo na may exam pagkatapos at kailangan saulado nya ang buong libro.
"Sige lang. Mamaya ako" - May phobia yata sa pagkanta, pero ayaw umamin kaya daig pa ang mga anti-RH bill senators sa dami ng delaying tactics. Hindi mo alam kung anong hinahantay nya, ang pagkakataon na makakanta sya nang hindi nahihiya, o ang ikalawang pagdating ni Jesus.
Dodong/Bebang Sawi - Sya yung tipo na puro pang sawimpalad, heartbroken, inapi, at bitter na mga kanta lang ang pinipili. Para syang ipinaglihi sa mga soap opera ni Judy Ann Santos.
Multitasker - Kumakanta habang pumipili ng susunod na kanta habang pumoposing para sa kodak moment at may nguyanguya na pagkain. Sa dami ng sabay sabay na ginagawa ni multitasker iisipin mo na mamamatay na sya bukas at kailangan nyang sulitin ang kanyang nalalabing oras.
Funeraria Jose - Kung may iisang kasalanan man si Funeraria Jose, yun ay ang ipanganak na may boses na naturally depressing. Wapakels kung ano man ang kinakanta nya, sigurado ang kalalabasan nun ay malungkot. Kahit Happy Birthday To You kaya nyang kantahin na parang tugtog sa karo. Pag kumanta sya ng My Way, hindi sya ang mamamatay, yung mga nakapaligid s kanya ang magpapakamatay dahil sa depression.
Nacho King - Ang normal na tao, pag pumunta sa videoke, kumakanta, nakikinig at pag napagod, kumakain at umiinom. Si Nacho King, puntirya lang nya kung ano man ang pagkain na nakahanda. Habang todo birit ang kanyang mga kasama, todo lamon naman ang main event nya. Siguro galing sya sa refugee camp at ngayon lang sya ulit nakatikim ng makunat na nacho.
Chuwariwap - Dalawa ang mic sa mga videoke kadalasan dahil may mga kanta na mas masaya iduet. Pero dahil ang gusto ni Chuwariwap dapat laging masaya, lahat din ng kanta dinuduetan nya. Kahit di nya alam. Kahit katunog ng aksidente sa highway ang kanyang boses. Pag nakasabay mo sya, iisipin mo basag yung mic, may sira ang sound system, at may sumuntok sa iyong tenga.
Boy Pitik - Eto ata ung taong allergic sa song book. Habang masipag na namimili yung mga kasama nya ng mga gusto nilang kantahin, si Boy Pitik naman, abala sa pagpili ng kakantahin sa mga pinagpilian na ng mga kasama nya. Pag may nagustuhan sya na kanta, aagawin na nya ang mic, ang kanta, at ang pagkakataon mo na ipahiya ang sarili mo.
Technician - Taong di makuntento na maupo lang at kumanta. Kailangan lahat ng settings ng videoke machine eh kinakatikot. Akala mo tuloy anlaki ng igaganda ng boses nya pag "optimal" na yung setting ng reverb at volume. Makulit man sa simula, tumatahimik din sya pagkatapos nyang makuryente ka gagalaw ng mga buttons at wiring.
For Export - Yung mga kasamang ganito siguro ang dahilan kung bakit maliit lang ang mga bintana ng mga rooms ng karamihan sa videoke bars sa bansa. Lahat ng performance level niya ay agaw buhay, at parang sinasapian ng kaluluwa ni Mystika. Sa sobrang dami ng kembot, hataw, at split, pwede mo na syang iexport as Japan para magJapayuki.
Runners up:
"Pare Ko" Guy - Sya yung parang ang trip lang sa buhay eh piliin yung "Pare Ko" na kanta, at kantahin yung parte na "Di ba, tang-*#@$*&$! Nagmukha akong tanga!" ng sobrang lutong, feeling mo eh yun lang ang legal na venue kung saan sya pwedeng magmura.
Subscribe to:
Posts (Atom)