Bakit nga ba SIPA ang pambansang laro ng Pilipinas? Wala akong kakilala na naglalaro ng SIPA. Di ko napapanood sa TV ang sipa. Sa totoo lang di pa ako nakakakita ng totoong laro ng sipa bukod sa PE namin nung highschool.
Talaga bang may sport na sipa? O kathang isip lang natin yun? Bakit walang binebentang bolang ratan sa mga sports shop?
Ang sipa lang na alam ko, yung larong pambata na ang gamit e tingga at balat ng kendi. Kung medyo sosyal, yung may parang straw pa na wig, ewan ko kung ano tawag dun. Tassle? Dapat ata yun na lang nag pambansang laro natin. Isipin mo, pag televised sya, pati yung sipa, may sponsor na - nakadisplay dun sa balat ng kendi.
Kung sa dami nang mga sport natin na TOTOONG nilalaro, bakit di na lang antin palitan ang sipa? Eto ang ibang possible suggestions sa national game/sport natin:
1. Patintero Professional League
2. Ultimate Trumpo Championship
3. Putangina Mo Piko Tayo Federation
4. Henry Sy's Chinese Garter Open 2011
5. Pambansang Palakasan ng Inuman
6. Ewan. Matulog na lang tayong lahat.
Pambansang Laro Ng Pilipinas
Wednesday, September 07, 2011
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
6 comments:
5. Pambansang Palakasan ng Inuman
haha! super like!
AYUN O. Ikaw siguro magiging MVP pag may ganun na.
pambansang laro nga natin sipa, pero parang hindi binibigyang halaga. wala, o bihira, lang magkaron ng mga competitions ng sipa. mga bata sa kalsada lang ang kadalasan makikita mong naglalaro nito. pero kahit sila unti-unti na ring nalilimutan ang larong tinaguriang pambansang laro ng pilipinas.
May mga bata na naglalaro ng Sipa? Hindi yung trip trip lang na sipa ha. Yung tinatawag na Sepak Takraw. Yun kasi ang pambasang palarangan natin eh.
Ang pinakabagong pambansang laro ay "COC".
What can you say about the sports in the philippines?
Post a Comment